Sunday, December 22, 2013

Sa Ilalim ng Kama

Tulala at walang imik nanaman si Jay sa harap ng kanyang computer habang pauliit-ulit lang na binabasa ang mga post sa social networking site. Isang tipikal na araw sa bahay na kung hindi nagkukulong at napupunta sa kawalan ay magdamag nanamang nakatulala sa computer. Magtatrabaho sa harap ng computer, maglilibang sa harap ng computer, tatamarin sa harap ng computer. Umikot na ang buhay sa harap ng computer.

Ang taong takot sa kasiyahan, yan si Jay. Iniisip niyang tuwing may kasiyahang nagaganap ay may kasunod itong kamalasan.

"Alis ka muna dyan, baka maingayan ka." Sabi ng kanyang inang nagpapahiwatig na mamaya-maya ay may inumang magaganap sa loob ng bahay nila.
Halos araw-araw na lasing ang ama ni Jay habang ang kanyang ina naman ay kung hindi nagluluto o gumagawa ng gawaing bahay ay naglalaro sa tablet niya.

Sawang-sawa na si Jay sa amoy ng alak at ingay ng karaoke sa bahay. Idagdag pa ang mga mura at tunog ng mga nagsasalpukang gamit kapag masama ang tama ng kanyang ama. "PUTANG INA NIYO!", buong gabi niyang pagtitiisan ang mga murang paulit-ulit niyang maririnig kasunod pa ng pagdura sa sahig at halos pagkasira ng mga gamit. Kinabukasan naman ay magrereklamo dahil sa sakit ng katawan dahil nalamigan at kasama ng sisi na hindi man lamang daw nilatagan ang sahig na hinihigaan.
Ilang linggo na rin bago ang huling insidente ng pagkalasing ng kanyang ina. Tuwing nagkakainuman ang mga nagpapakadalaga ay asahan ang matinding sayawan at samaan. Mga linyang "Di pa ako lasing" at "Nanay mo ko, wag mo akong sinusuway." Inaya ng mga "kaibigan" kaya sumama naman ang kanyang ina sa bahay ng kapitbahay upang mag-inuman at magkaroon ng kaunting kasiyahan.
"Ikaw, wag mo ilalagay ang alak sa ulo. Dapat yun sa tiyan!", naalala ni Jay laging paalala ng ina kahit na bihira na siya uminom ng alak.
"Yung nanay mo pigilan mo! Nagwawala na dun!" laking gulat ni Jay nang may sumigaw mula sa gate  habang nagko-computer siya.
"Shit" bulong ni Jay sabay takbo para kumuha ng damit at pumunta sa kapitbahay. "Anong nangyayari?"
"Wala, ok lang naman mama mo." Sabi ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ina.
"O, bat ka andito?" Tanong ng kanyang ina.
"Nagwawala ka na daw eh" sagot ni Jay.
"Ha? Wala lang naman eh, di ako lasing"
"Oo, di yan lasing." Sabat ng kaibigan ng ina niya.
Bumalik na lang si Jay sa harap ng computer at pinagpatuloy ang ginagawa. "PUTANG INA MO ANG LAKAS NG LOOB MO WALA KA SA PAMAMAHAY MO!" buong galit na sigaw ng kapitbahay.
"Puta" bulong ni Jay sabay suntok sa pader. "ANO BANG NANGYAYARI DITO?"
"Di ko papatulan yang mga yan!" Sabay halakhak ng ina. "May pinag-aralan ako."
Nalito si Jay sa mga nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon ang lahat. Maya-maya pa ay nalaman niyang nahalungkat nanaman ang nakaraan.
"Tara na ma, uwi na tayo"
"Bakit ako uuwi? Nagkakasiyahan pa kami rito!" Sabay tawa uli.
Kinabahan si Jay. "Tara na!"
"Aba sinisigawan mo ko?"
"Kami bahala sa mama mo" sabi ng mga kaibigan ng kanyang ina.
"Pauwiin niyo na yan" sambit ni Jay habang nangangatog na
"Wag kang makulit!" taboy ng kanyang ina.
"PUTANG INA MO! LUMABAS KA DIYAN!" Di pa rin tumitigil ang kapitbahay.
"Wag nyong hintaying.. Papatay ako ng tao.." Bulong ni Jay sa mga kaibigan ng ina habang pabalik ng bahay upang humingi ng tulong sa ama.
"PAG MAY NASAKTAN LANG, PAPATAYIN KO KAYO!" sigaw mula ng ama ni Jay mula sa kanilang bahay. Nanahimik ang lahat habang sabay na naglakad ang mag-ama papunta sa kapitbahay para sunduin ang ina.
Ayaw magpapigil sa pag-iinom at ayaw umuwi ng ina kaya minarapat na lang na kaladkarin ng mag-ama ang lasing na lasing na ina. Natakot si Jay sa mata ng kanyang ina. Iba. Hindi to normal.
"KINAKAMPIHAN NYO YUNG MGA PUTANG YON!" Humahagulgol na iyak at sigaw ng ina.
"MANAHIMIK KA! ANO BANG PROBLEMA MO?" Sigaw ng ama.
"IKAW ANG PROBLEMA KO! DI KO PINANGARAP ANG GANITONG BUHAY! DI KO PINANGARAP ANG GANYANG ASAWA!"
Napasuntok na lang ng ilang ulit si Jay habang tumululo na ang luha. Wala siyang magawa.
"Patayin niyo na ako, patayin niyo na ako. Gusto ko nang mamatay.." paulit-ulit na sinasambit ng kanyang ina.
Walang magawa si Jay kundi tumakbo sa likod ng bahay at yakapin ang aso. Ilang ulit niyang sinuntok ang pader habang umiiyak. "Anong ayaw niya sa buhay na to? Di na kailangang kumayod, puro tablet na lang at madali lang ang gawaing bahay. Ano pang problema nun?" Tanong ni Jay sa kanyang alagang aso.
"Dapat sinusuntok na ni papa yun para manahimik eh." Biglang sambit ng kapatid na babae ni Jay na biglang sumulpot mula sa kung saan.
Nanatiling umiiyak ang binata. Hindi niya matanggap ang dinaranas ng ama. Hindi niya matanggap na iba ang nakilala niyang ina sa buong buhay niya.
Makalipas ang ilang sigawan at napagod rin sa kakaiyak ang kanyang ina at nakatulog.
"Iba tama ng mama mo." Buong kalmang sambit ng ama niya. "Hindi ba nadroga yun?"
"Tatlong boteng Alfonso, tatamaan ba si mama dun?"
"Ilan ba sila dun?"
"Anim."
"Hindi yan. Baka Nadroga nga."
"Hindi ba dapat pati yun mga kainuman?"
"Depende eh, kung sa sabo lang. Basta, iba tama ng mama mo. Nakita mo yung mata?"
"Opo. Baka naman natuluyan na si mama?"
"Ha?"
"Kasi alam niyo yun, lahat ng pinsan kong panganay na lalaki, may sira. Ako lang wala."
Natahimik ang ama ni Jay.
Sa huli, napagdesisyunang pagbakasyunin muna ang ina sa kamag-anak sa probinsya ng ilang linggo.

Ang sakit para kay Jay alalahanin kung anong uri ng pamilya ang humubog sa kanilang magkakapatid. Kaya di hamak na gustong-gusto ng mga kapatid ni Jay na makapagtapos siya ng pag-aaral at magkapagtrabaho na para makalipat na ng bahay. Mahal ng tatlo ang kanilang magulang pero hindi nila matiis ang alak. Kaya walang umiinom o nalalasing sa magkakapatid.

Kinabukasan sa klase, nakaupo nanaman sa isang sulok si Jay, tulala, mukhang lutang, at ang mata'y may kakaibang kombinasyon ng pagkamulat at pagkapikit.

"Dark times.."
"buti talaga di nadudurog kamao mo nun no?"
"Mabilis gumaling mga sira sa katawan ko."
"di ka pa diabetic? HAHA"
"Asa. ayos pa ako."
"so, totoo yung sinabi mo nun? pati ni papa?"
"Alin?"
"yung papatay ka. HAHAHA"
"Pag may nasaktan nga, baka wala na akong makilala."
"yan ang gusto ko sayo. walang puso"
"Wag kang magulo, ka-chat ko crush ko."
"sige, pakasaya ka. HAHAHA"

Friday, November 1, 2013

Sa Harap ng Salamin

"Ambango. amoy Chinese. Kapag pumasa tayo, tara Binondo." aya ni Chris.
"Sige, marami akong alam dun." ibigsabihin, gusto rin ni Jason pumunta.
"Sige lang. May ipon  ako." pagsang-ayon din ni Dale.
"Ikaw Jay?"
"Ok lang."

At doon nagsimula ang lahat.

Maraming walang tulugang gabi rin ang lumipas bago nakamit ng grupo ang matamis na "Wala na kaming masabi, 'Recommendations' na lang." ng mga panelist. Kahit na sila pa ang pinakaunang grupong nagdefense para sa course nila, nagawa pa rin nilang patahimikin ang masasabing pinakanakakasindak na mga panelist at bangungungot ng lahat ng magde-defense.

"Fuck wala ako gaanong nasabi""
"tiwala lang"
"Kaya na no?"
"oo." napangisi na lang si Jay.

Naka-ilang overnight at plano rin ang magkakagrupo bago pumasa sa thesis defense at maipasa ang final requirements. Nagkandaleche-leche pa sa pagpapapirma ng final document dahil sa lintik na schedule ng mga panelist at makakalimuting adviser.

Mapapansing ilang araw at gabi na ring kakaiba ang ikinikilos ni Jay. Nawawalan na ng gana makipaglaro sa mga alaga at napapadalas ang paglalagi sa maliit at madilim niyang kwarto. Tahimik lang siya doon. Matagal. Mabaho. Isang beses nga ay doon na siya nakatulog kahit na walang electric fan at kama o panlatag man doon.

Masasabing naging inspirasyon para sa grupo ang mapalaya ang sarili sa pagdurusa, puyat, at hassle na dulot ng thesis na iyon kahit na nakalusot na sila sa SE. Para kay Chris, ang project leader, magiging heaven na kapag natapos na nila nag thesis. "Para rin sa Binondo."

"Akala ko ba titigil ka na sa pagyoyosi pagkatapos ng thesis, Jay?" tanong ni Chris.
"Si Biboy eh, inaya ako."
"Eh nagyoyosi lang naman ako pag kasama ko si Jay eh, hayaan mo na." depensa ni Biboy para kay Jay.
"At hindi na naman tulad ng dati na maya't maya." sagot ni Jay
"Ulul mo adik ka na."
"Asa ikaw nga yun eh. Nasimulan lang ayaw na tumigil."
"Suntukan!" sabat ni Jason.
"Gago ka ah. Nasa Espanya na tayo!" pakunwaring aya ni Chris.
"bfffrt. Tangina. HAHAHA!" napabugang tawa ni Dale habang kumakain ng biskwit.

"upakan mo. kahit saksakin mo ako bahala. hahaha. walang magagawa yang mga yan kundi matakot"

"Gago ka ah!" sabay amba ng suntok ni Jay na tila ba mamamana. (root word: pana)
"yan!"
"Oh ano?" umamba rin si Chris.
Nagtawanan ang magkakatropa.

"tangina akala ko totoo na."

Bumalik sa klase ang magkakatropa. Sabik na silang matapos ang klase para matuloy na ang Binondo Foodtrip na matagal na nilang plinano para i-celebrate ang pagtatapos ng lahat ng pagdurusa. Eat like there's no tomorrow ang tema ng grupo. Pig-out Friday.
Pagkaakyat ay nagsolo muna si Jay papuntang banyo. Ang baho ng yosi sa kamay.
"bat di mo tinuloy? mas matutuwa siya. dagdag alay din yun."
"Ayoko itodo, baka masiraan ako"
"hindi ka pa ba sira sa lagay mong yan? alaga mo? ibinigay mo?"
"Oras na rin naman niya eh. Mas ok na rin yun kaysa sa nagdurusa siya sa sugat niya"
"kaya pa nun, daga yun eh. tinuluyan mo lang talaga. aba'y parang nagmamalinis ka ngayon ah."
"Wala kang alam."
"ulul. parte mo ko."
"Lul." sabay labas ng banyo pagkatapos maghugas  ng kamay at mag-ayos ng salamin.

Ilang oras nanaman ng walang kwentang discussion na akala mo ay reading class. Hinahasa daw kami ng prof sa pagbabasa at pagpe-present para sa aming future. Kailangan iyon sa aming Information Resource Management Class. "Fuck this shit." yan ang laging sambit ng mga estudyante. Inip na inip na ang tatlo sa Binondo trip mamayng uwian habang si Jay ay mukhang interesadong interesado sa discussion.

"fuck this shit."
"Wag kang maingay."
"tinutubuan ka na ng konting goatie oh! tara mabunot nga."
"Bahala ka sa  buhay mo."
"hehehe"

Lumulutang ang isip ni Jay pero mukha pa rin siyang interesado sa pakikinig sa discussion, Natural na lang siguro yun sa mga nerd na tulad niya. "nerd. hahaha. uy uwian na."

"Yon! tara Binondo na!" ani ni Chris, Jason, at Dale. Mapapansin ang bahid ng kasiyahan sa mukha ng apat na estudyante.

Kahit medyo magkaligaw-ligaw ay masayang tinahak ng apat ang mga kalye patungong  Binondo.
Siomai, siopao, noodles, at kung anu-ano pang pagkaing Chinese. Takaw-tingin ang apat. Umorder ng umorder ang apat hanggang sa mabusog at hindi na makatayo. Solve pero hindi gaanong masakit sa bulsa.

"Sarap ng feeling, tapos na." simula nanaman ni Chris.
"Parang tayo nga nag-set ng standards eh. Mataas." ani ni Jay.
"Tama lang yun, ginawa na natin ang lahat eh!" sabi naman ni Jason.
"oo lahat ginawa ko eh"
"Oo, lahat na ginawa natin, ewan ko na lang pag may padagdag pa yun." sabi ni Chris.
"Yun nga eh."
"Sarap."
"hindi nila alam. hahaha."

Nagbayad at namasyal pa ng kaunti ang apat sa Binondo.

"Uy oh. Hopia." biglang sabi ni Jay.
"Bibili ka ba? Pag bumili ka, bibili rin ako." sabi ni Chris.
"Ayoko, mas gusto ko pag pasalubong lang ni mama."
"parang merong may gusto niyan eh"
"Sige, di na lang din. Busog pa naman eh."

Nakarating sa sakayan ng jeep ang apat. Masaya. Sa mga sandaling iyon na lang mapapansing masaya ang lahat lalo na si Jay. Natapos na rin ang mga gabing walang tulog. Tapos na ang mga gabi ng pagiging desperado. Tapos na ang gabi ng pagdurusa at pag-iisip. Tapos na ang mga problemang dulot ng bwisit na thesis. Oo, malaking bagay ang thesis. Normal na estudyante na uli ang apat. Normal na ang mga subject. Maaaral na uli ng apat ang ibang subject. Di na kailangan magsakripisyo.

"Para po!" sigaw ni Dale sa driver.
"Sige Jason, ingat." paalam ng tatlo kay Jason na hiwalay pa ang babaan.
Tumigil ang jeep sa gitna ng kalsada at naunang bumaba si Jay at diretsong patawid papunta sa sidewalk. Maliwag. Papalapit ang liwanag.
"JAAAAAY!" sigaw ni Dale habang naninigas ang katawan.

"uy pre. ayun siya."
"Ako lang ba nakakita sa kanya?"
"ikaw lang. kumalma ka lang. siya na bahala sayo"
"Alam ko."
"hahaha. lakas."

"Tangina pre. Nag-palpitate ako." sabi ni Dale
"Putangina mo." sabi naman ni Chris
"Ok lang naman eh. Kaya pa iwasan yun. At kaya ko sarili ko."
"laki ng tiwala, shet. hahaha"
"Tangina pre mas nakakatakot makita tropa mo magkaganun."
"brutal naman nito. hahaha"

Sa buong biyahe pauwii, iniwasan nang pag-usapan ng tatlo ang nangyari.
"Adrenaline rush. hahaha."
"saya mo ah." sabay sakay ni Jay sa jeep papasok ng village.

Thursday, August 29, 2013

Ang Donut ni Maria Kristina

“Hindi ka pa ba uuwi?”
“Saglit lang, itago ko lang tong mga natirang karne sa ref.”
“Bilisan mo”
“Eto na, pinapasok na..”
Biglang nanlagkit ang tingin ni Maria Kristina kay Juan Alejandro dahil sa mga salitang binitiwan nito.
“Ulitin mo nga yung sinabi mo”
“Ayoko”

Palibhasa cashier si Maria Kristina at head chef naman si Juan Alejandro, marami silang inaasikaso tuwing gabi kahit na nag-uwian na ang iba pang katrabaho. Sila ang laging naiiwan sa Spanish Wok Canteen tuwing gabi kaya naman kahit papaano ay may namumuong kung ano sa pagitan ng dalawa.
“Sige na. Please?”
“Maria Kristina, cashier ka ba?”
“Oo, bakit?”
“Kasi mukha kang bayaran.”
“Aaw..” Nag-blush ang dilag sabay hampas sa pawisang braso ng binata.
“Nagustuhan mo ba yung banat ko?”
“Oo”
“Ayos lang ba kung banatan na kita?” Ginapos ni Juan Alejandro ang mga braso ni Maria Kristtina gamit ang sarili niyang mga kamay.
“A.. Anong balak mo? Ta.. Ta.. Tama ba to?” Hindi pumapalag si Maria Kristina kahit na ang sinasabi niya ay taliwas sa ninanais ng kanyang katawan.
“Gusto mo rin naman to, di ba?” sabay ngisi ni Juan Alejandro na tila ba ay isang demoyong nakaswerte sa paglinlang sa isang tao.

“Alam ko namang nanggigigil ka sa abs ko tuwing nagluluto ako nang apron lang ang tanging suot kong pantaas di ba?” Panunukso ni Juan Alejandro.
“Kaya nababansagang dugyot itong canteen natin eh” Pabirong sagot ni Maria Kristina.

Inihanda ni Juan Alejandro ang gomang pampropeksyon upang hindi makadisgrasya habang ginagawa ang putahe.

Handa na ang tinapay. Tinikman na rin ng head chef ang monay. Sa sobrang sabik ay muntik nang maubos ang pasas kaya't pinigilan ni Maria Kristina si Juan Alejandro sa pagtikim sa mga inihanda niyang tinapay.
“Inihanda mo na ba?”
“Oo, handa na.” Sagot ni Maria Kristina habang ibinubuka ang tahong upang ipatikim muli kay Juan Alejandro.
“Sariwa pa. Tamang tama ang pagkakahanda. Mamasa-masa.” Sabi ng binata matapos tikman ang tahong ng dalaga.
“Sige lang, tumikim ka pa”
“Mahilig ka talagang magpatikim no?”
“Oo. Pero wag mo ako gaanong purihin, nahihiya ako.”
“Eh ang sarap naman talaga eh.” Di maiwasang humanga ni Juan Alejandro
“Alam ko, nasasarapan din ako.”


Di na nakapagpigil si Maria Kristina kaya't dali-dali niyang hinablot ang matigas na hotdog sa pantalon ni Juan Alejandro na sumabit mula sa ref.
“Dahan-dahan lang uy!” Nabigla si Juan Alejandro.
“Kanina ko pa gusto kunin to mula sa iyo.”
“Mukhang masyado kang masaya ah.”
“Oo. Mahilig ako dito.”

Isinubo ni Maria Kristina ang Pampangga's Best longganisa. Kinain ni Juan Alejandro ang Happy peanut. Nilamas ni Maria Kristina ang French bread. Nilamas naman ni Juan Alejandro ang Monde special mamon. Sobrang nasasarapan ang dalawa.


Ginanahan na sina Maria Kristina at Juan Alejandro. Ipinalaman na ang Bibbo cheesedog sa pagitan ng nag-iinit na tinapay. Ipinasok na ni Juan Alejandro ang Stick-O niya sa butas ng donut ni Maria Kristina. Sa bawat galaw ay umaalog ang coffee jelly ni Maria Kristina na gawa sa Mr. Gulaman.

"Ibudbod mo ang niyog mo sa mainit kong pichi-pichi!" hiyaw ng dalaga.

Pinagpapawisan na ang dalawa ngunit patuloy pa rin sa pagsangkutsya si Juan Alejandro. Tila nawala sa pag-iisip si Maria Kristina sa sobrang galing ni Juan Alejandro.
“I.. Isa kang tunay na.. na head chef.” Bulong ni Maria Kristina kay Juan Alejandro.
“Salamat.” sagot naman ni Juan Alejandro habang patuloy na naggigisa.

Inilabas ang talong, ipinasok ang upo.

“Banggitin mo ang pangalan ko” sabi ni Juan Alejandro.
“Ju.. Juan A.. lejandro”
“Isa pa!”
“Juan Alejandro”
“Laksan mo!”
“Juan Alejandro!~” Sigaw ni Maria Kristina ayon sa hiling ni Juan Alejandro.

Sobra-sobra na sa tuhog ang mga kikiam pero matigas pa rin ang penne. Kahit na kanina pa niya inaatupag ang kwek-kwek ay mas nasisiyahan pa rin siya sa cherry sa ibabaw pudding. Sa sobrang sarap ng mga ginawa ni Juan Alejandro ay tumirik ang mata ni Maria Kristina.


“Pagod na ako.” Tila ba hinga na lang na sambit ni Juan Alejandro.
“gusto mo? Yakult?” Alok ni Maria Kristina.
“sige.”

Pinag-Yakult ni Maria Kristina si Juan Alejandro. Nagkalat ang mayonaise sa cheesedog sa pagitan ng dalawang tinapay na nabanggit kanina. Nalagyan din ng cream ang coffee jelly.

Saturday, July 27, 2013

Sa Likod ng Usok

Nakaupo nanaman sa isang sulok si Jay, tulala, mukhang lutang, at ang mata'y may kakaibang kombinasyon ng pagkamulat at pagkapikit.
"Ooh, walang tulooog!" sabi ni Dale sa kaibigan nang mapansing kakaiba nanaman ang kinikilos nito.
"Tara suntukan sa Espanya!" wala sa hulog na sabat ni Chris, ang bigotilyo.
Walang buhay na tingin ang inilapat ni Jay sa mga katropa. Hindi siya umimik at bumalik lang sa pagtitig sa kawalan.
"Ano bang gusto mo?" patuloy pa rin ang pangungulit ni Chris.

Ilang araw nang puyat o kaya naman ay walang tulog si Jay kakababad sa computer. Kaunting sulyap lang sa mga social networking sites at balik na uli sa pagpo-program para sa dalawang matinding project. Ang isa ay para sa thesis habang ang isa naman ay para sa Systems Engineering. Sa totoo lang ay hindi naman talaga niya alam kung kaya niya gawin ang mga pinapagawa sa kanyang program. Hindi na rin nga  niya maalala kung kung paano mag-program. Tiwala na lang sa sarili ang pinpapairal ni Jay kahit na nawawalan na ng pag-asa ang project leader ng grupo.
"Bahala na." bulong niya sa sarili.

Sa hapon pa naman ang klase kaya't ayos lang na matulog nang alas-otso ng  umaga at gumising nang ala-una ng tanghali para pumasok mamayang alas-tres para sa klase mamayang alas-singko. Papasok nanaman sa eskwelahan nang lutang at walang gana magklase. Ang tanghalian ay tila ba almusal dahil sa dalawang tasang kapenng pampagising sa tanghali at para manatiling gising hanggang mamayang alas-otso ng umaga uli.
"Bahal na." bulong niya sa sarili.

Isang sigarilyo at isang kendi muna bago pumasok. Sakto sa limang piso. Isang sigarilyo at isang kendi uli sa break at mamayang uwian. Naaaliw si Jay sa usok kaya't hindi alintana ang sakit ng ulo at mata dahil sa pagkapuyat.
"Mamamatay rin naman ako. Bahala na." bulong niya sa sarili.

Natapos na ang tatlong oras ng nakakabagot na discussion ng isang subject lang. pagkatapos ng break ay may dalawang oras pa ng panibagong nakakabagot at nakakatangang discussion.
"Kung papasok ka, wala ka rin namang maiintindihan eh. Wala rin namang attendance! Tara! cut na!" aya ni Miguel sa tropa.
"Kanina ko pa naiisip yun." sagot ni Jay.
"Ano? papasok ba?" sabi ni Chris.
"Flip coin."
"Pero eto, lahat tayo sasama ah?" aya ni Chris.
Walang kasiguraduhan ang iba.
"Jason. Heads papasok, tails magka-cut." sabi ni Jay.
Umikot sa ere ang limam-pisong barya. Sinalo ni Jason sa kaliwang kamay, inilapag naman sa kanang kamay. "Tails."
"Tara."

Sina Jay at Miguel lang ang natira sa paglalakad papuntang sakayan.
"Mga walang bayag yung mga yun." ani ni Miguel.
"Sanay na ako. Ge." sabay senyas naman sa isang jeep na paparating upang parahin ito.

Mag-isang umuwi si Jay. Naisip niyang mas ayos na iyon kaysa sa kasabay nanaman niya yung magugulong kaibigan na maiingay at tawa ng tawa subalit biglang tatahimik para pag-usapan ang seryosong bagay tapos tatawa nanaman na parang mga baliw.

Pagkababa ng FX na laging sinasakyan pauwi ay sumakay naman siya ng jeep papasok ng village. Naglakad pa siya sa madilim na tabing-ilog pagkababa ng jeep.
"Bahala na. Puro na lang bahala na." sabay hithit sa e-cig na lagi niyang baon-baon.
"lagi mong sinasabing 'bahala na' pero di ka naman naniniwala sa bathala."
"Naniniwala akong may Lumikha."
"iba ang bathala"
"Bakit ba kasi ito yung pinag-uusapan natin?"
"ewan ko sayo."
"Ikaw nagsimula eh." sabay hithit uli sa e-cig.
"ako pa ah. pero hindi ba? 'bahala na' lagi? paano kung sa iba naman?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"alam mo na. wala ka na namang takot ngayon eh."
"Meron pa. Kontrolado ko lang."
"pero kaya mo na to."
"Sige." sabay hithit uli sa e-cig.

Di tulad ng dati, sa kwarto dumiretso si Jay para magkulong. Sa munti niyang kwarto na na walang laman kundi mga damit at isang salamin, nakabuo siya ng isang imahe. Sakripisyo na lang ang kulang.
"Wag muna ngayon. Konting tiis pa."
"sige."

Friday, January 11, 2013

Tinirhan niyo ko ng ulam?

Isang normal na araw nanaman.
Magsisimula ang klase nang alas-dose ng tanghali kaya kailangang umalis ng bahay nang bandang alas-diyes ng umaga para kahit paano ay makapahinga naman bago magsimula ang klase. Oo nga pala, kumain ako ng almusal para makainom ng vitamins at kahit paano makatambay ako sa España para makapagyosi at Cobra. Kailangan kong manatiling hyper para kahit paano ay mukha pa rin akong normal.
Normal, 'yung tipong walang mali sa akin. Unique pero dapat katulad dapat ako ng  mga tao sa paligid ko. Bawal ako maging kakaiba dahil mahuhusgahan ako. Ayaw kong mahusgahan dahil takot ako. Takot ako dahil masakit ang mga maririnig ko mga salita. Masakit.
Bago magsimula ang klase, mukhang makakatambay muna sa labas ng room. 20 minutes pa bago magsimula ang klase.
May dapat ba akong sabihin sa taong ito?
May katuturan ba?
Walang dapat sabihin, wala akong maiisip na matinong sabihin.
Kahit ganoon, tropa/ kaibigan ko to eh. Kahit ano na lang siguro.
Diyan magsisimula ang buong araw na tawanan. Asaran at kwentuhan tungkol sa mga nangyari noong mga nakalipas na araw. Wala nang bagong jokes o kaya pang-asar. Tara, pansinin natin uli ang bigote. Baka may bago tayong maisip.
Tumunog na ang chime, nakakairita. Siguro aabot din ng tatlumpung segundo ang tunog ng chime na iyon. Sobrang agaw atensyon. Mapapatigil ka sa pagkukwento dahil panigurado di ka maririnig ng kausap mo lalo na kung di kayo magkatabi.
5 minutes before class. Oras na para pumunta sa "washroom". Ayaw ko kasing lumalabas ng classroom habang may klase para lang pumunta sa CR. Siyempre mag-aaya ng kasama, may kasabay pang turo, para magkalinawan na sa "washroom" nga ang punta ng tropa.
Hindi ko rin alam kung bakit sanay silang nagsasama pa ng ibang tao sa pagpunta sa CR. May ilan akong teyorya tungkol dito:
1. Ayaw lang talaga humiwalay sa tropa.
2. Nag-aaya dahil baka naiihi din ang ibang tropa, sabihin pang selfish siya kasi di man lang nang-anyaya.
3. Baka biglang may makabunggo at suntukan agad. Handa ang resbak.
4. Baka may multo, takot ako, samahan niyo ako.
Alin man dito ang dahilan ay nakakairita pa rin-- pero ako mismo sinasama ko ang isa sa tropa. Hindi dahil ayaw kong maiwan o kailangan ko ng resbak o takot ako. Doon lang kami nakakapagkwentuhan ng mga bagay sa paligid na hindi napapansin ng iba pa. Doon lang din kami nakakabuo ng bagong jokes o kung anumang kagaguhan ang maisip namin. Ang pangit, sa CR talaga? Hindi, minsan talaga humihiwalay kami dahil hindi lahat makasabay sa trip.
Simula na ng klase. Nandito nanaman sa harap ko ang prof na sobrang time-pressured. Mag-aaksaya kami ng halos kinse minutos para walang problema sa attendance pero mamadaliin niya ang lesson kasi sayang ang oras.
Dapat ko bang pakinggan to?
Nakakasabay ka ba? o mas malupit kong tanong, nakikita mo pa ba ang nakasulat sa board?
Sakit sa mata ng projector no?
Oo nga eh. Ang likot. Ang sakit sa mata.
Lagpas isang taon na pala tong salamin ko. Dapat kasi tuwing October nagpapapalit na ako ng grado ng salamin. Taun-taon kasi lumalabo ang mga mata ng nasa 100 na grado. Lumalala pa ata ang astigmatism ko. Ilang taon na lang siguro mabubulag na din ako. Magastos magpa-lasik. Magastos magpaopera. Siguro pagka-graduate ko magkakatrabaho na agad ako at yayaman agad. Doon ko lang mabibili ang lahat ng gusto ko. Doon ko lang mapapaayos ang lahat ng sira sa mukha ko. Sa mukha kong hindi ko maiharap kahit kanino.
Kahit anong uri ata ng sabon, panghilamos, o cream para sa mukha ang gamitin ko ay walang silbi. Ganyan na yan. Sabihin na nating hindi ako ang pinakamalubha pero wala pa ring papatol sa ganitong uri ng mukha. Sakto lang. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibigsabihin nila sa "sakto lang".
Siguro kulang lang ako sa kapal ng mukha? Paano magkakaroon ng kapal ng mukha kung lumaki nang nakakulong sa apat na sulok ng tahanan na tuwing may kakaibang gagawin ay pinapahiya at nasasabihang wala namang saysay ang pinaggagagawa.
Ayos, break time na pala.
May natutunan ka? May naintindihan ka? May naalala ka?
Hmm. Wala. Meron ata.
May paggagamitan ba ako nito?
Meron ata. Sa prelims?
Aaralin mo sa bahay?
Shotgun na sa test.
Kalimutan ang lahat nang ni-lesson.
Gusto kong kumain ng pares. Kahit hindi talaga lasang pares ay pares pa rin iyon at sulit na para sa P35.00 na gastos. Dagdagan mo pa ng P5.00 may buko juice ka na. Dagdagan mo pa ng P6.00 may Marlboro Black at Clorets ka na. P10.00 para sa isang piyaya pero dalawa binibili ko dahil nakakahiya ang isa.
Ayaw nila doon, tara, sa Dapitan na lang tayo. Almer's? Liempo? Tara, Liempo. Sige Almer's. Ang labo!
Basta ang gusto ko, pares lang. hindi ko nga maintindihan kung ano ba talaga iyon. Sguro kulang lang sa pampatamis at anise? Nakakatuwa dahil ngayon may tinda na rin si kuya na sisig. Ulo ng baboy ata yun kaya ang sarap. Maanghang pa kaya sulit, beer na lang ang kailangan. Siguro kung hapon na agad, masarap uminom dito lalo na kung 'yung sisig na iyon ang pulutan. Sapat na 'yun para lunurin lahat ng problema ko sa buhay.
Problema ba 'yun? Baka depression lang.
Depression eh lagi kang masaya! Kailan ka ba na-depress.
Idaan sa yosi. Hithitin ang lason, ibuga ang usok ng lason kasama ang lahat ng hinanakit mo upang maging mas nakakamatay. Siguraduhing kapag naninigarilyo ay hindi lang ikaw ang nakakalanghap ng usok. Lasunin ang iba pang tao sa paligid upang maramdaman ang paghihirap na pilit mong ibinubuga.
May isang class nanaman, tapos break uli ng isang oras. Pagkatapos ng break ay panibagong class na tatlong oras. Boring. Tara, cut! Wag.
Tutulala nanaman sa whiteboard na hindi ko mabasa ang mga nakasulat dahil nasa dulo ako. Hindi ko rin matitigan nang matagal ang nasa projector dahil masakit sa mata. Solusyon, kulitin ang katabi. Ang kaso ay mukhang seryoso siya. Siguro titingnan ko na lang ang lahat ng kaklase ko habang nakikinig sa prof.
May tulalang nakanganga.
May mga sabik maintindihan ang lecture.
May naglalaro sa iPhone.
May nangungulangot.
Natapos ang klase. Nakapakinig naman ako pero wala rin eh. Memorize at naiintindihan ko ang steps! Walang silbi yan sa quiz at test. Ulol ka.
Tara shot, break naman eh. Shot dahil shot ng Cobra o anumang softdrinks ang mabibili sa bangketa pero isang bote. Marlboro Black, Clorets. Cobra Smart. Kumpleto ang solid, liquid, at gas sa akin. Ayos din itong kariton nina ate ah. May tulog sa ilalim. Ang mga paninda ay katulad din ng mga paninda ng ibang branch nila sa iba't ibang gate sa España. Franchise ata talaga sila eh. Tara na, tama na tambay dahil baka makaisang stick pa ako eh. Washroom muna.
Tatlong oras ng klase. Tatlong oras ng kulitan, gaguhan, ef-yu-han, at paggawa ng activities na hindi maintindihan. Hindi ko malaman kung bakit pa ako nag-aral. Siguro kung magtrabaho na lang ako at walang pinag-aralan tulad ng mga kakilala ko, mapapadali pa ang buhay namin. Lahat ng tao ngayon gusto maging office worker samantalang nandito ako at gusto maging trabahador sa isdaan. Malansa ngunit napakalaki ng tulong sa ekonomiya ng bansa. Gusto ko maging tulad ng tatay ko. Walang pinag-aralan pero puno ng tiyaga at diskarte. Dinaig pa ang mga nag-aral sa universty belt na ngayon ay under niya na lang.
Hindi ko pa rin maisip kung saan ako mapupunta pagkatapos nito. Paano pa kaya kung hindi ko ito matapos? Magiging office worker na rin ba ako tulad ng ibang tao na mas mababa pa ang kinikita kaysa sa sa kinikita ng tatay ko sa malansa niyang trabaho? Magtatapos ako sa university para lang makakuha ng munting salapi? Hangga't maaari dapat ang sweldo ko lamang pa sa binabayad ko sa university kada semestre. Hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang nagpapakahirap ako sa pag-aaral para maging alipin.
Alas-nuebe na ng gabi. Uwian na pero hindi pa makakasakay ng jeep. Kailangan pa naming ihatid ang kaibigan naming babae sa dorm niya kahit di hamak na mas gala pa siya kaysa sa akin. Ayos lang, gusto ko rin naman maglakad-lakad kahit paano kasi umaasa pa akong makita kong yung crush ko sa Women's Volleyball Team.
Kung makita mo siya, tatawagin mo siya?
Hindi, nakakahiya.
Kala ko ba plano mong magpapicture?
Wala akong camera. 2mp lang camera ko sa phone.
Ano plano mo?
Titingnan lang siya.
Hanggang tingin na lang lagi. Naghihintay at umaasang may makasabay na chix sa jeep o FX pero hanggang tingin na lang. Katabi na nga, nahihiya pang lingunin. Kaharap na nga, umiiwas pa ng tingin at umaasta pang gago. Nagkatinginan na nga, hindi pa ngumiti. Makapagyosi na nga lang pagbaba ko dito sa FX.