"Bilang isang stalker, di talaga ako naniniwala sa love at first sight. Sabihin na lang nating nakuha mo lang ang atensyon ko nung una kitang kita. Tipong... gusto ko lang talaga malaman ang pangalan mo para mahanap kita sa fb pag uwi ko sa bahay, tingnan ang mga album mo [kung meron bang Boracay '14], kung mahilig ka ba mag-selfie, at kung ano pang mga hilig mo. Sa ngayon ang alam ko pa lang mula roon ay mahilig ka sa k-pop. Sorry kung creepy ako.
Naalala ko pa nung nagmamadali akong kunin yung listahan ng mga pangalan ng mga kasama ko sa training. Baka kasi matabunan ang pangalan mo at magkamali ako ng search. Oo, search talaga sa fb dahil wala akong lakas ng loob para kausapin ka, magpakilala, at makipagkaibigan sayo. May nakabantay din kasi sa iyo kaya di ko magawang lapitan ka. Excuses. Mahina lang talaga ang loob ko. Anti-social... dati pa naman eh. Oo nga pala, naka-save na sa cellphone ko yung number mo in case of emergency. Di ko na ikukwento kung saan ko hinanap. Nakita ko na rin pala yung iba mong account-- twitter at instagram. Pareho lang naman kasi ng username kaya madaling hanapin.
Sorry ganito lang talaga ako. Alam mo bang hindi ko talaga kaya ma-in love? O yun lang talaga lagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Ang alam ko lang ay lagi lang ako nao-obsess. Hindi rin. Iba tong ngayon.
Alam kong sa utak nangyayari ang pag-ibig at hindi sa puso pero iba tong ngayon. Puso to. Ito pala yung sinasabi ng ibang tao. Tibok ng puso, kaba, butterflies sa stomach. Akala ko OA lang sila sa chemical reaction sa utak nila. Ibang high to. Mas masaya kumpara sa alak at nicotine. Dinaig pa ang adrenaline rush. Naniniwala na ako sa pag-ibig.
What is love? Mahirap pa ring sagutin pero yun ata ang nararamdaman ko kapag kasama kita. Tipong kahit hindi ako manigarilyo buong araw, kalmado at gumagana ng matino utak ko. Tipong kahit di ako lasing, nagiging ibang tao ako. Tipong kahit di ako naka-weeds, lumulutang ako. Nakakaadik. Sana lagi kitang kasama.
Hindi ako naniniwalang may perpektong tao pero sa pananaw ko, ikaw na yun. Masiyahin, matalino, masikap, competitive, at mabait. Wala na akong pakialam sa negative side mo dahil nagawa ko nang makisama sa mga, sabihin na lang nating, mga magugulong tao. Kung kaya ko lang, liligawan kita araw-araw. Bibigyan ka ng bulaklak up to the point na maari ka nang magtayo ng sarili mong flowershop. Bibigyan ka ng chocolate at matamis up to the point na diabetic ka na. Ide-date sa kung saan-saang resto up to the point na obese ka na. Gusto kong tumaba at mamatay kasama ka. lol. jk. oa.
Pero yun nga. Aalagaan kita. Wala namang ibang magkakagusto sa akin kaya asa pang mawala ako sayo. Date tayo sa kanto, kain ng fishball, kikiam, at ibang tuhog-tuhog. Manunuod tayo ng sine kung may magadang palabas. Kung suswertehin, manunuod tayo ng concert ng paborito mong k-pop group [kaso kasama kapatid ko, magtatampo yun]. O kung gusto mo, tambay na lang tayo sa bubungan habang nakatitig sa kalangitan kasama ang mga pusang kalyeng nagliligawan. Sorry, medyo kuripot ako.
Di naman ako magseselos kahit na ibang korean artist ang pinagnanasaan mo. Sasakyan ko ang mga trip mo kahit na di bagay sa akin. Alam mo naman ang tinutukoy ko... Basta... Ikaw lang sapat na..." Naputol ang monologue ni Jay.
"tangina pre, ang korni. desperado pa"
"Sorry, ganito ata talaga pag umiibig"
"pakyu. parang di ikaw. ano to? nung huli nakipaglokohan ka lang? todo effort na lokohan?"
"Di ko rin masabi. Parang di mo naman alam pag nagsisinungaling ako, miski sarili ko naloloko ko na."
"ok lang naman, pasensya na, nakisakay ka pa sa akin."
"Tang ina mo. Wag mo nang uulitin yun. Wag ka na. Ako na lang."
"kung papasa sa akin tong dinidiskartehan mo ngayon, sige. di lang talaga nagkasundo yung mga demonyo namin nung huli eh. HAHAHA!"
"Huwag mo nang ipaalala."
Monday, August 25, 2014
Saturday, July 5, 2014
Xander
Sa ngayon, malabo na talaga para sa akin kung ano ang mga tunay na nagyayari at kung ano ang imahenasyon ko lang o panaginip. Madalas nagigising na lang ako na sobrang pagod pa rin, uhaw, at basang basa ng pawis na tila ba tumakbo ako sa isang fun run. Isang beses nga ay nagising ako na may galos sa dibdib. Sinabi ko na lang sa aking sarili na baka dahil nanggigil sa akin yung alaga kong aso habang tulog ako kaya may galos akong ganoon. Ewan ko.
Isa sa mga iniisip ko ay baka binabangungot lang talaga ako. Hindi maiiwasan iyon lalo na sa isang tulad kong "baliw". Masasabi kong madalas ay nasa katinuan naman ako pero di maiiwasan ang mga sandaling biglaan ko na lang maiisip ang ilan sa mga nakakatakot o nakakahiyang sandali sa buhay ko. Hindi ko mapigilang magsalita mag-isa kapag bumabalik ang ganoong mga alaala. Madalas ay napapasigaw pa ako sa kawalan habang kaaway ang mga boses na gumugulo sa utak ko. Kung dati pa sana nila sinabi sa akin ang mga dapat kong ginawa bago ako mapahiya, eh di sana hindi ako ginugulo ng mga alaalang iyon.
Hindi ko masabing malas ako dahil nasa dugo ko na talaga ito at buti na lang ay may kontrol pa ako sa sarili ko. Lahat kasi ng mga unang lalaking anak ng mga tita ko ay may down syndrome. Maswerte ako dahil wala ako pero malas dahil mukhang di pa rin ako nakaligtas.
Baka naman iniisip ko lang lahat ito at hindi ko lang matanggap na ako lang sa aming mga magpipinsan ang nass katinuan pa. Baka binibigyan ko lang ng katauhan ang boses sa utak ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga naging pahirap sa akin itong boses sa utak ko eh. Madalas nga ito pa ang gumagawa ng mga desisiyon para sa akin basta ba makakabuti ang gusto nito at sinusunod niya ang mga prinsipyo ko sa buhay. Ang kinakatakot ko lang, baka sa mga susunod na taon o araw, ay ako na ang sumusunod sagusto nito.
Naalala ko ang unang beses na kinausap niya ako noong bata pa ako.
"sa mukha mo dapat patamaan."
Iyan ang unang beses na napaaway ako sa matatanda dahil sinuntok ko sa tagiliran ang isa sa anak niyang umaway sa kapatid ko. "putang ina mo."
"Putang ina mo."
At doon na tuluyang sinugod ang bahay namin ng kapitbahay.
Isa sa mga hindi ko makalimutang pangyayari ay noong bigla na lang akong tumakbo para iligtas ang isang babaeng muktik nang masagasaan ng trak habang tumatawid sa C5.
"yung babae." Bulong niya sa akin at bigla na lang gumalaw ang aking katawan na parang bumagal ang lahat sa paligid ko. Naaalala ko pa rin ang busina ng truck habang rumaragasa patungo sa nanigas nang babae kahit na inaapakan na ang brake. Inertia.
"bobo." Ika niya nang mapansing nanigas ang babaeng tumatawid.
Nakatawid nga ako at hinatak ko ang babae papunta sa gutter. Makakakita siguro ako ng taong roadkill kung sakaling hindi ko ginawa iyon. Namutla ang babae nang matauhan kung ano ang mga nangyari.
"alis, dali." bulong niya nang mapansing palapit na ang traffic enforccr at ang driver ng truck na mura ng mura dahil sa nangyari.

Maraming beses na rin akong nakatulong dahil sa kanya-- mula sa taong muntik nang malaglag sa overpass hanggang sa pag"huli" sa isang snatcher. Hindi mga magagandang pangyayari.
Tulad nga ng sabi ng ilan, pareho lang sa pakiramdam ang pagsagip ng buhay at pagpatay para sa mga may sira ang ulong tulad ko. Hindi pa naman talaga ako nakakapatay, sa tingin ko.
Isa sa mga matinding gumagambala sa akin ay noong may snatcher na binuksan bigla ang shuttle na sinasakyan ko hinablot ang bag na hawak ng nasa likod ko. Nakakapit ang babae sa bag niya kaya hindi agad nakuha ng snatcher ang bag kaya siya naglabas ng baril at tinutok iyon sa babae. Mukhang hindi pansin ng babae ang baril kaya patuloy pa rin ito sa paghatak sa kanyang bag at mukhang sobrang determinado ng snatcher sa pag-agaw ng bag kaya di nito maiputok o maitutuok ng diretso ang baril.
"isang kamay sa bag, isa sa baril." Alam ko na ang gagawin ko.
Habang nanigas ang lahat sa takot nagawa kong pangahan ang snatcher. Natigilan siya at napabitiw sa bag. "eto na."
Isang suntok sa tagiliran ang tumupi ang kanyang payat na katawan. Ramdam kong sumagad ang kamao ko sa atay niya. Hilig kong patamaan ang parteng iyon, walang butong makakabasag sa kamao ko. Tuluyan ko ring naagaw ang baril.
"baguhan ko, di pa marunong, bigyan mo ng isa sa tuhod."
Medyo sabog pa ako sa biglaang galaw kaya di ko napansin na may saksak na pala ako sa kaliwang tagiliran. Ang huli kong naalala ay pinaputukan ko siya sa hita pero sa tuhod pa rin tumama dahil na rin siguro sa biglaang panlalabo ng aking paningin. Hindi ako sanay sa dugo.
Nakita ko na lang ang aking sarili kinabukasan sa ospital na may tahi na sa tagiliran at kaharap ang isang nars at isang nagpakilalang pulis na hindi nakasuot ng uniporme. Lumabas ng kwarto ang nars.
"Pwede natin sabihing self-defense ang nangyari pero sobra naman ang ginawa mo... pero mukha namang walang pambayad sa attorney yung mga ganung tao kaya mapapalagpas natin yung ginawa mo." Sabi ng pulis.

"Po?" Hindi ko naintindihan ang nangyari.
"Yung ginawa mo."
"Nabigla lang po ako kaya ko siya binaril."
"Baka binaril at inukitan?"
"inukitan." Sabay tawa na bigla na lang nagpasakit sa ulo ko.

"Inukitan?"
"Inukitan... ng pangalan mo."
"Inukitan... ng pangalan mo."
"Po?" Naguluhan ako lalo kaya nilabas ng pulis ang kayang smartphone at pinakita sa akin ang picture ng lalaking nakahandusay, luhaan, naiiyak sa sakit, may tama ng baril sa tuhod, walang damit, at may ukit na "XANDER" sa tiyan.
"Ako si 'Alexander' pero 'Alex' po ang madalas ginagamit ko. Huli kong naaalala ay nung pinutok ko yung baril bago ako mawalan ng malay dahil siguro sa dugo. Ayaw ko ng dugo. Nahimatay nga ako nung nakita ko yung dugo eh"
"Pero ikaw daw yung nag-ukit nyan, sabi ng mga kasabay mo sa van. Nagulat nga sila at nandiri nung nakitang nilabas mo yung ballpen mo. Akala nila susulatan mo lang pero nung inukit mo na..."
Di ako nakapagsalita. Ipinaliwanag ko na lang sa pulis ang lahat ng alam kong nangyari ngunit ayaw tallaga niyang maniwala na di ko alam ang mga nangyari.
"ako si Xander. ang kalahating ayaw mo." At iyona ang araw na nangyari ang kinakatakutan ko.
Dahil sa insidenteng iyon kaya sumikat ako sa mga social networking sites. Sinara ko ang aking mga account dahil tinagurian na aking baliw. Hindi na ako halos lumabas ng bahay at lagi na akong kinakausap ng doktor at mga pulis dahil sa aking utak.
Ilang buwan na ang lumulipas na walang insidente dahil madala ay nasa bahay na lang ako. Ilang buwan na rin akong minumulto ng mga nakakatakot na bangungot. Mula sa pakikipagsuntukan sa mga lasing sa kanto na pinag-iinitan ang kanilang anak hanggang sa mga holdaper sa bus na handang mamaril ng hostage. Hindi na ito tulad ng mga panaginip ko dati bilang isang superhero. Sa mga bangungot na ito, hindi ang makaligtas ang pakay ko, ang gusto ko rito ay makapanakit ng tao. Masasamang tao. Prinsipyo. Maglagay ng takot sa utak ng mga masasamang-loob. Mag-ukit ng pangalan ko sa tiyan ng mga masasamang loob. "Xander."
Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Natatakot na ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo at kung ano ang bangungot. Ako si "Alex" at hindi si "Xander".
Lagi kong nakikitang natuyong dugo ang ballpen ko.
Thursday, May 8, 2014
Tamis
Simula nung umatake yung mga lamok noong bakasyon, doon na uli ako sa maliit na kwarto natutulog. Maliit, kulob, at walang ilaw (walang bumbilya). Halos sakto lang sa katawan ko ang laki ng kwarto tuwing nakahiga ako sa sahig na may sapin na foam. May mga kabinet kung saan nakatabi ang mga gamit ko, may electric fan, at may salamin sa kwarto. Nagsilbing damitan o bihisan ko lang ang kwartong to. Dahil sa liit ng kwartong iyon, binansagan ko na itong "kahon".
Isang munting kwarto kung saan ako nakakapagpahinga at makakatulog ng mahimbing dahil hindi man lang nasisinagan ng araw ang kwartong iyon. Hindi ka mapipilitang bumangon dahil walang bintanang magpapapasok sa sinag ng araw. Hindi ko nga malalaman na umaga na kung hindi pa ako titingin sa aking cellphone para sa oras. sa kwartong iyon ko rin nagagawa ang mga bagay na maaari ko lang gawin kapag walang nakakakita sa akin. mga gawaing di ko gugustuhin makita ng ibang tao. mga pribadong gawain.
Masasabi kong mahiwaga ang kwartong iyon dahil, yun nga, maraming hiwaga ang nagaganap doon. Sa totoo lang, sa kwartong iyon lang lumalabas ang tunay na ako. ang ako na hindi ko gustong makita ng maraming tao. sabihin na nating yung akong maihahalintulad natin sa isang mabangis na hayop. Pero minsan yung ako rin na tila ba maamong tupa. Dahil nga walang nakakakita sa akin doon sa kahon, nailalabas ko lahat ng emosyon ko. Nailalabas ko ang lahat ng lungkot at kabiguan ko. nailalabas ko ang lahat ng galit at sama ng loob ko. sa kahon ko tuluyang nakilala ang aking sarili pati ang ilang piling "kaibigan".
Aksidente lang ang unang naisama ko sa kahon. Nagpainom dahil walang tao sa bahay. Tulad nga ng sabi ng ilan, mahina ang babae sa alak, kaya napagdesisyunan na sa bahay ko muna siya magpalipas ng gabi. tulad nga ng sabi ng ilan, kapag may alak, may balak.
ito ata yung sarap ng unang tikim. ang kaso lasing siya. hindi ko masabing nakilala talaga namin ang isa't isa noong mga panahong iyon. hindi ako gaanong nasiyahan. Kahit na ganoon, humarap ako sa salamin at nakita ang aking ngiti ng tagumpay. Matapos ang araw na iyon, sa totoo lang, hindi na uli kami nagkita ng personal.
ilang buwan ang lumipas at hinanap-hanap ko ang tunay na kaligayahan. Ilang "kaibigan" rin ang naisama ko sa kahon nang di gumagamit ng alak. gusto ko nga makita ang tunay na kulay ng bawat isinasama ko pero kahit na ganoon iba pa rin talaga yung unang tikim. iba yung sarap ng una pero parang wala yung saya dahil halos walang malay yung kasama ko eh. sa mga sumunod naman, ramdam ko yung saya pero wala yung sarap tulad noong una.
Sabihin na nating napadalas ang pagsama ng "kaibigan" sa kahon. Kung dati ay madalas nagsosolo ako, ngayon, lagi na akong may "kaibigan" para tulungan at pasiyahin ako. "kaibigang" tinutugunan ang pangangailangan ko.
at dahil nga napadalas ang pagsama ng mga "kaibigan", siyempre mapapansin ito ng mga tao sa paligid, ng mga tsismosang kapitbahay. sa tingin ko ay dahil din sa ingay ng ilan kong naiisasamang "kaibigan". hindi ko napapansin ang oras dahil nga walang bintana sa kwartong iyon. Hindi ko rin alam. maaari rin na sobrang napapadalas na nga. parang dati, ilang buwan pa bago ako may isama sa kahon. ngayon, halos linggo-linggo akong may isinasama maramdaman lang ang sarap na nadama ko doon sa una.
Noong una nakakausap ko pa ng matino yung mga tanod tuwing may nagrereklamong kapitbahay dahil sa ingay kapag gabi. Sasabihin ko lang na "nasarapan po, boss" sabay kindat at ngingiti lang yung tanod sabay apir at aalis na. Masasabi kong tuluyan lang na natapos ang lahat noong dumating na ang mga pulis na may dalang search warrant. hindi raw hiyaw ng sarap ang naririnig ng mga kapitbahay at ibang amoy na raw ang umaalingasaw mula sa bahay.
sa dinami-rami ng naisama ko sa kahon, iba pa rin talaga yung una. unang hiwa sa kanyang mga braso. unang saksak sa kanyang katawan. unang lasap ng dugo mula sa kanyang nahiwang labi. ang hindi ko lang nagustuhan noon ay halos wala siyang malay kaya't hindi ko nakita ang kanyang tunay na kulay.
sa mga sumunod nama'y ramdam ko ang kasiyahan. lumalabas ang kanilang tunay na kulay. handa silang gawin ang kahit na ano para lang hindi ko putulin ang kanilang mga daliri o gilitan sila sa leeg. ang saya dahil marunong silang magpumiglas at may malay sila dahil hindi sila lasing tulad nung una. ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pumapayag silang magpatali sa akin sa pader kapag nakahubad na sila. pero kahit na ganoon, kahit anong putol ko sa mga braso o binti at kahit na gawin kong laman-labas ang mga laman-loob nila, hindi pa rin ako masarapan. oo masaya pero hindi kasing sarap noong una.
sa mga parte ng katawang nahanap sa bahay, hindi nila mahanap yung sa una. hindi ko rin maalala kung saan ko tinago o tinapon yung katawan. Kasabay non, hindi ko na muling nakita yung ako na nakangiting tagumpay sa salamin.
hindi pa rin ako nasasarapan. handa pa rin akong magsama ng ilan pang "kaibigan".

Tuesday, April 1, 2014
Gwapo na rin ba Ako?
Ngayon, akin ka na.
Siguro naman naaalala mo pa yung panahong hindi mo ako pinapansin dahil diyan sa gwapo mong kasama? Nasaan na siya? Isang magandang katanungan. tumingin ka sa kaliwa mo.
Kung ako sa iyo wag ka nang magpumiglas dahil lalo ka lang masusugatan niyang tali sa braso mo eh. Ikaw rin, hindi mo gugustuhing maubusan ng dugo kapag nalaslas niyang sinulid yang pulso mo. Hindi ko pa naman gustong nasasaktan ka ng sobra. At kung di mo pa napapansin, kapag nalaglag ka diyan sa kinatatayuan mo, punit lahat yang suot mo. oo, alam kong mahusay ang pagkakagawa ko. tamang haba lang ng tali at mga kalawit para sa isang maling galaw, isang magandang pagtatanghal ang maihahandog mo sa akin. Siguro kapag nabagot ako, itutulak na lang kita, pero wag kang mag-alala, mahaba ang pasensya ko.

At oh, tulad nga ng sabi ko, mahaba ang pasensya ko. Kita mong nakapaghintay ako ng apat na taon para gawin sa iyo to, at lalo na diyan sa "kasintahan" mo. Alak lang pala katapat niyo eh.
Sa totoo lang hindi ko rin alam dati na maaaring mangyari to eh. Hindi yang dinaranas mo, etong dinaranas ko. Alam ko namang kaya kong walang-awang pumatay, kaso ito, selos. Anak ng puta kasi. Ako ang nauna di ba? Dahil lang sa gwapo siya, sinagot mo na agad? Dalawang taon din akong nanligaw sa iyo. Eh yan? Ilang oras lang? Dahil lang gwapo siya? Ngayon? Gwapo na rin ba ako? sasagutin mo na rin ba ako ngayong magkamukha na kami? bakit hindi ka makatingin sa sa akin? dahil ba dito sa maskarang gawa sa mukha ng "kasintahan" mo? o dahil dito sa dila niyang ginawa kong necktie ko? HAHAHA.
Liligawan uli kita, sasagutin mo na ba ako? maayos naman ang porma ko. Formal. sariwang mga bulaklak na diniligan ng dugo ng "kasintahan" mo matapos kong tanggalin ang balat sa mukha niya. akalain mong parang maamong tupa rin pala iyon no? Ang ganda ng tindig ng lalaking yon. akala mo kung sinong siga at makaharang tuwing lalapit ako sa iyo. nakakatuwa nung nagmamakaawa siya habang binabalatan ko siya nang buhay. Oo nga pala, gusto mong kumain?
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang lang din naman ang porma
laging may dugong sumisirit
sa tuwing kayo'y binobotcha~!
Naghanda ako ng mga masasarap na putahe. pumili ka, bopis o dinuguan? Malakas manigarilyo yang "kasintahan" mo kaya malamang at hindi mo gugustuhin tong bopis. isipin mo na lang, kapag kinain mo to, iisa na kayo. Tulad ng gusto mo, nasa loob mo siya. Kaso ibang loob ito, hindi yung laging gusto mo. may nangyari na ba sa inyo? Ayoko nang marinig.
Sino na ngayon ang gwapo? Ano pang kulang sa akin? Kulang pa ako sa height? saglit lang at gagawin kong takong ang mga kamay ng lalaking yan. At puta, mas mahaba pala buhok niya.
nakakabagot hiwain nag bungo niya ngayong hindi na siya pumapalag. nanahimik siya matapos kong tanggalin yung baga niya eh. dapat pala inuna ko yung atay at bato para ramdam niya lahat, At eto na, Ayos ba ang buhok ko? Di ko akalaing kumportable to suotin ah. dahil siguro mas malaki ng kaunti yung bungo niya kaya sakto lang sa ulo ko.
Ano pa kulang ko? Gwapo na ba ako? Siguro pansin na pansin mo na ako no?
kung ako sa iyo, ihahanda ko na katawan ko at magpapaalam na ako sa damit ko.
oo ngapala. huwag mong kakagatin ha.

Tuesday, February 11, 2014
Nanlamig na
Ilang masasayang buwan din ang lumipas bago uli ako nagkaganito,
Tulad ng ibang tipikal na love story, pareho kaming hindi perpekto. Pinakilala lang ng isang common friend sa isa't isa at mula doon tuluy-tuloy na ang suyuan at lambingan. Ilang buwan ng text, chat, usap sa telepono. Ako pa yung puyat kahit na pantanghali pa ang simula ng klase ko samantalang ang sa kanya'y sa umaga. Puyat at tigyawat ang inabot ko sa mukha dahil sa puyat gabi-gabi para lang makausap ko siya. Pinagpupuyatan niya ako. Pinaglalaanan niya ako ng oras.
Ito na uli ang isang parte ng buhay ko kung kailan masasabi kong ito ang tunay na ako. Nakakatuwang sabihin na lumalabas ang tunay na ako kapag kasama ko siya. Kumakalma ako at hindi ko na kailangan pang manigarilyo. Parang hindi ako. Miski ako nagugulat na kaya ko palang maglakas loob at kausapin siya. Maglakas loob na sabihing liligawan ko siya. Maglakas loob at hawakan ang kamay niya. Maglakas loob at sabihing mahal ko na siya.
Masyadong mabilis at hindi ko na nakontrol ang mga pangyayari. Parang nung isang araw kakakilala lang namin at simpleng biruan lang. Kilala pa naman ako ng mga kaibigan ko bilang isang dakilang torpe. Ngayon magkatabi kami dito sa sasakyan at magkayakap. Hindi pa kami. Walang kami.
Gustung-gusto ko tuwing tinititigan niya rin ako sa mata. Yung mga mata niyang nangungusap. Yung mga mata niyang mababakas kung ano ba talaga ang mga gusto niyang sabihin at kung ano talaga ang nararamdaman niya. May kakaibang sparkle ang kanyang mga mata. Kaya ko siyang titigan buong araw.
Nakakatuwa. Hindi ako to. Masasabi kong sa puntong ito medyo na-channel ko na ang aking "inner human". Wala eh, medyo baliw. Pero tuwing nakakausap ko siya nawawala ang topak ko. Tumatahimik ang mundo ko.
Naalala ko nanaman yung mga umagang tinatawagan niya ako para gisingin at marinig lang yung "bedroom voice" ko. Gustung-gusto niya yung malalim kong boses tuwing bagong gising. Yung boses kong medyo malayo sa matinis kong boses tuwing nangungulitt ako. Yung boses di ko alam na meron pala ako.
Ngayon, hindi ko alam bakit biglang ganito na kami. Ang lamig na niya.
Hindi ko raw siya kilala. Bakit hindi ko raw siya tanungin kung may gusto akong malaman tungkol sa kanya? Kung gusto ko magpatulong? Bakit ako umaasa sa internet sa mga bagay na pwede ko namang itanong.
Ito na yung problema kapag gusto niyo nang lumalim ang pagkakakilanlan niyo sa isa't isa.
Sabagay, sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sagutin ang manliligaw niyang pathological liar? Lahat daw kasi ng sinasabi ko hindi totoo. Kasinungalingan at pambobola lang daw ang lumalabas sa aking bibig. Masama bang purihin siya? Masama bang sabihing siya na lang ang meron? Na sa kanya umiikot ang mundo ko?
Pareho naman kaming ayaw magkwento masyado pero ayun nga nagkwento ako sa kanya tungkol sa masalimuot kong nakaraan. Mga problema sa pamilya, pambubugbog, kabiguan sa pag-ibig. Madilim na nakaraan na ayaw kong balikan. Mga dahilan kung bakit ako pinalayas at nabubuhay mag-isa sa isa pa naming bahay kasama ang aking aso.Na puro lang kasinungalingan, ayon sa kanya.
At ayun nga, pinagkatiwalaan ko siya kaya ko kinuwento ang nakaraan ko. Ang lahat ng parte ng buhay ko kung bakit ako ganito. Mula sa lahat ng tinanggap kong "disiplina" upang tumino ako pati na rin sa "sakit" na dumadaloy sa dugo... Hindi siya naniwala. Sinungaling daw ako.
Hindi rin pala ako manliligaw. Hindi nga pala ako nagtanong kung maari ko ba siyang ligawan. Bigla ko na lang sinabi sa kanyang liligawan ko siya ng pabiro habang naglalakad pauwi sa kanila. Bastos.
Huling beses na magkasabay kami sa sasakyan pauwi ay noong Sabado lang ng nakaraang buwan. Gabi na kaya kahit may kaunting tampuhan ay nagpumilit pa rin akong ihatid ko siya sa kanila. At inaantok na siya. Sabi pa naman niya baka hindi raw siya makatulog dahil sa inilibre kong kape sa kanya bago kami umuwi.
Naalala ko tuloy yung unang beses niyang tumambay sa park dahil sa akin. Una niyang tikim sa Mogu-Mogu dahil sa akin. Una niyang halik dahil sa akin.
At nakasakay naman agad kami. Hindi siya yumakap sa akin ngayon. Mukhang ayaw na niya sa akin. Ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap eh. Wala daw siyang oras. Ayaw niyang nauubos ang oras niya sa mga bagay na walang kwenta, Ayaw niyang may hadlang dahil marami pa siyang pangarap. Marami pa siyang pangarap sa buhay.
Ilang minuto lang ay bigla na lang siyang nakatulog sa sasakyan. Baka manakit ang leeg niya kaya isinandal ko siya sa akin at iniayos tulad ng dati, nakayakap sa akin. Hindi siya nagising.
Matagal na rin yung huling beses na naramdaman ko yung mainit niyang yakap.
At dahil nga gabi na at hindi siya magising, minabuti ko nang sabihin sa driver na sa lugar ko na lang dumiretso. Una niyang punta sa bahay ko.
Ako naman lagi ang mali eh. Masyado ko siyang pinaglalaanan ng oras. Masyado ko siyang iniisip. Wala akong focus. Ayaw ko ba ng magandang kinabukasan?
Inihiga ko siya sa aking kama. Ang ingay ng alaga kong aso. Simula nung nag-away kami ang ingay na uli ng mundo ko. Inuutusan na uli nila ako. Tinanggal ko ang kanyang saplot, kinumutan, hinawakan.
Oo na, ako na ang presko. Ako na ang mayabang. Ako na ang wala sa ayos ang mga banat kaya sa susunod ko raw na makakarelasyon ay ayusin ko ang sarili ko at magpaturo na lang ako sa kanya kung paano suyuin silang mga babae. Hindi raw siya yung tipikal na babae. Kung sa tipikal ko raw ginawa yung "panliligaw" ko baka gumana pa.
Nandito siya't nakahiga sa aking kama. Nakatitig kami sa isa't isa. Mata sa mata. Yung nangungusap niyang mga mata. Kaya ko siya titigan buong araw. Maririnig na niya tuwing umaga yung tunog ng boses kong gustung-gusto niya...
...pero ang lamig na niya, hindi na siya gumalaw.
Matagal nang panahon ang lumipas noong huli kong naramdaman ang mainit niyang yakap.

Subscribe to:
Comments (Atom)