Monday, August 25, 2014

Para kay

"Bilang isang stalker, di talaga ako naniniwala sa love at first sight. Sabihin na lang nating nakuha mo lang ang atensyon ko nung una kitang kita. Tipong... gusto ko lang talaga malaman ang pangalan mo para mahanap kita sa fb pag uwi ko sa bahay, tingnan ang mga album mo [kung meron bang Boracay '14], kung mahilig ka ba mag-selfie, at kung ano pang mga hilig mo. Sa ngayon ang alam ko pa lang mula roon ay mahilig ka sa k-pop. Sorry kung creepy ako.

Naalala ko pa nung nagmamadali akong kunin yung listahan ng mga pangalan ng mga kasama ko sa training. Baka kasi matabunan ang pangalan mo at magkamali ako ng search. Oo, search talaga sa fb dahil wala akong lakas ng loob para kausapin ka, magpakilala, at makipagkaibigan sayo. May nakabantay din kasi sa iyo kaya di ko magawang lapitan ka. Excuses. Mahina lang talaga ang loob ko. Anti-social... dati pa naman eh. Oo nga pala, naka-save na sa cellphone ko yung number mo in case of emergency. Di ko na ikukwento kung saan ko hinanap. Nakita ko na rin pala yung iba mong account-- twitter at instagram. Pareho lang naman kasi ng username kaya madaling hanapin.

Sorry ganito lang talaga ako. Alam mo bang hindi ko talaga kaya ma-in love? O yun lang talaga lagi ang sinasabi ko sa sarili ko. Ang alam ko lang ay lagi lang ako nao-obsess. Hindi rin. Iba tong ngayon.

Alam kong sa utak nangyayari ang pag-ibig at hindi sa puso pero iba tong ngayon. Puso to. Ito pala yung sinasabi ng ibang tao. Tibok ng puso, kaba, butterflies sa stomach. Akala ko OA lang sila sa chemical reaction sa utak nila. Ibang high to. Mas masaya kumpara sa alak at nicotine. Dinaig pa ang adrenaline rush. Naniniwala na ako sa pag-ibig.

What is love? Mahirap pa ring sagutin pero yun ata ang nararamdaman ko kapag kasama kita. Tipong kahit hindi ako manigarilyo buong araw, kalmado at gumagana ng matino utak ko. Tipong kahit di ako lasing, nagiging ibang tao ako. Tipong kahit di ako naka-weeds, lumulutang ako. Nakakaadik. Sana lagi kitang kasama.

Hindi ako naniniwalang may perpektong tao pero sa pananaw ko, ikaw na yun. Masiyahin, matalino, masikap, competitive, at mabait. Wala na akong pakialam sa negative side mo dahil nagawa ko nang makisama sa mga, sabihin na lang nating, mga magugulong tao. Kung kaya ko lang, liligawan kita araw-araw. Bibigyan ka ng bulaklak up to the point na  maari ka nang magtayo ng sarili mong flowershop. Bibigyan ka ng chocolate at matamis up to the point na diabetic ka na. Ide-date sa kung saan-saang resto up to the point na obese ka na. Gusto kong tumaba at mamatay kasama ka. lol. jk. oa.

Pero yun nga. Aalagaan kita. Wala namang ibang  magkakagusto sa akin kaya asa pang mawala ako sayo. Date tayo sa kanto, kain ng fishball, kikiam, at ibang tuhog-tuhog. Manunuod tayo ng sine kung may magadang palabas. Kung suswertehin, manunuod tayo ng concert ng paborito mong k-pop group [kaso kasama kapatid ko, magtatampo yun]. O kung gusto mo, tambay na lang tayo sa bubungan habang nakatitig sa kalangitan kasama ang mga pusang kalyeng nagliligawan. Sorry, medyo kuripot ako.

Di naman ako magseselos kahit na ibang korean artist ang pinagnanasaan mo. Sasakyan ko ang mga  trip mo kahit na di bagay sa akin. Alam mo naman ang tinutukoy ko... Basta... Ikaw lang sapat na..." Naputol ang monologue ni Jay.

"tangina pre, ang korni. desperado pa"
"Sorry, ganito ata talaga pag umiibig"
"pakyu. parang di ikaw. ano to? nung huli nakipaglokohan ka lang? todo effort na lokohan?"
"Di ko rin masabi. Parang di mo naman alam pag nagsisinungaling ako, miski sarili ko naloloko ko na."
"ok lang naman, pasensya na, nakisakay ka pa sa akin."
"Tang ina mo. Wag mo nang uulitin yun. Wag ka na. Ako na lang."
"kung papasa sa akin tong dinidiskartehan mo ngayon, sige. di lang talaga nagkasundo yung mga demonyo namin nung huli eh. HAHAHA!"
"Huwag mo nang ipaalala."